Oppositional Defiant

The blog of an occupational therapist with oppositional defiant disorder.

Maligayang Pasko ng Pagkabuhay mula sa Jakarta, Indonesia! #MahalNaAraw #HolyWeek #Easter (at Spanky’s Ribs and Martinis)
SABADO SANTO. Ang araw na “patay pa ang Diyos” pero marami nang pwedeng gawin. Marami nang humihinto sa pag-aayuno at pangingilin. Maaari nang kumain ng karne. Ang totoo’y madaming tao pa ang nakagawiang maligo sa dagat tuwing Sabado Santo (kasabay ng mga naghagupit sa sarili noong nakaraang araw - sarap!). Dahil sa mga ito, masasabi kong ang Sabado Santo ay ang “pasaway” o “passive-aggressive” na araw ng Semana Santa. Hindi marahil nakagugulat na ang inyong lingkod ay ipinanganak noong Sabado Santo ng taong 1990. 

Nasa larawan: ang huling kumpletong litrato ng Wolfpack. Sabado Santo, ika-30 ng Marso 2013. #Marinduque #MahalNaAraw #HolyWeek #BlackSaturday
HUWEBES SANTO. Sa totoo lamang, walang gaanong nangyayaring makabuluhan sa araw na ito. Walang prusisyon. Higit na humahaba ang mga pasada sa Pasiong Mahal. Isinasadula sa panghapong misa ang paghuhugas ni Kristo sa mga paa ng kanyang mga disipulo. May senakulo. Talagang dama na ang Semana kaya tumatahimik na ang bayan. Sa kabila nito, malamang mayroon pa ring basagan ng mukha sa Expo. 

Mabuti na lamang at sa huling Huwebes Santo ko bago mangibang-bansa, nagpadespedida ang mahal kong kaibigang si Mike na noo’y nagbabalak nanang pumunta sa Dubai. Buong gabing may awitan sa videoke at inuman. Ngunit bawal malasing. May Via Crucis at pagngingilin pa bukas na umaga. #HolyWeek #MahalNaAraw #Marinduque
Skipped today’s tempo run to buy a race bib to the last 5K of this year’s #JakartaRaceSeries . And yes, I also went here to get a massage I owe myself. Hehe. #running  (at Dharmawangsa Square City Walk)
MIYERKULES SANTO. Unang gabi ng prusisyon at senakulo sa ilog. Sa aking mga nababasang mga pabatid, hindi na raw katulad ng dati ang prusisyon ngayong taon. Noong bata pa ako, gustung-gusto kong dumalo sa prusisyon. Maraming taong itinuturing ang init at mahabang lakad bilang penitensya ngunit hindi ako kabilang sa kanila. Ang totoo’y ginagawa pang parusa ng aking lola na di ako isama sa prusisyon kapag ako’y malikot. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagbabago ang damdamin ko sa tradisyong ito. Kung ako’y babalik sa Pilipinas, marahil ay kasama na ako sa mag-aayos ng karo ni Santa Maria Magdalena (nasa larawan), ang patron ng aming pamilya. #MahalNaAraw #HolyWeek #Marinduque
Dahil ako ay lubos na nangungulila sa #Marinduque, ang aking mga pabatid tungkol sa #MahalNaAraw mula ngayon hanggang sa Linggo ay may kalakip na larawan kahit na hindi pa araw ng Huwebes. 

MARTES SANTO. Nagsimula na ang Moriones noong nakaraang araw at kinabukasan pa ang unang prusisyon. Walang pangyayari sa kalendaryo ng simbahan ngunit palaging makabuluhan sa Expo pagsapit ng dilim. Ngunit imbes na suntukan (na tila hindi nawawala sa lugar na iyon) na maaaring mauwi sa PAGKITIL ng buhay, tila mga damdaming may kinalaman sa PAGGAWA ng buhay ang nananaig tuwing Martes Santo nang gabi. Halimbawa, sa larawang ito na kinuha noong ika-19 ng Abril 2011, may isang taong masaya. Hulaan kung sino siya at manalo ng premyo! Hahaha. #HolyWeek
Eight months in #Jakarta and it’s my first time to ride the bus.
#postrun breakfast. #McDonalds na naman. Haha.  (at McD Cafe Sarinah Thamrin Jakarta Pusat)
Fight! #food #foodspotting #foodporn (at Urban Bistro, Kemang Village)
I practically had the gym all to myself! Thank you Lord for a still productive holiday. #fitness #pemilu2014 😲 (at Celebrity Fitness Kemang Raya..)